Tuesday, March 13, 2012

Upper Back Pain

Hindi ako mapalagay sa araw na ito (kung kelan makikinig ako ng mga long calls para matapos ang deliverables ko). SUPER SAKIT NG UPPER BACK KO!!! Hayst… Sa sobrang sakit, di ko magawang tumawa ng malakas, huminga ng malalim, ayusin ang buhok ko at kamutin ang likod ko. TORTURE ITO!

Hindi ko alam paano nagsimula ang sakit na ito. Gumising pa ako kaninang madaling araw na walang ibang nararamdaman kundi antok at pagkatamad na bumangon. Matapos maligo, kailangan kong pigaan ang mahaba kong buhok kaya kinailangan kong yumuko para mapiga itong maigi at mapunasan ng tuyong tuwalya. Ayun, PAK! Sumakit na talaga ito ng tuluyan. Naging mabagal ang pagkilos ko at paghahanda. (buti na lang hindi ako na-late. Thank you Lord!)

Dahil nga di talaga ako mapalagay, minabuti kong buksan ang world wide web at maghalungkat ng kung ano na may kinalaman sa nararamdaman ko.

Sa nabasa ko di ko alam kung natulungan nya ako para maintindihan kung ano ang sanhi nito o ininis nya lang ako.

Mga dahilan ng pagkainis:
  1. Poor posture overtime - paano mangyayari yan? di naman ako hukot magkalad. madalas din naman akong nakasandal pag oras ng trabaho (sandal na lapat ang likod sa inuupuang silya)
  2. Familiar complaint from people who work at computers most of the day - para mo na ring sinabi na di ito ang first time. Sa uri ng trabaho na meron ako, parang pinamukha na sa akin na umpisa na ito ng kalbaryo ko sanhi ng likod ko.
Nakakadagdag pa sa sakit ang lamig na dala ng panahon (maulan kasi ngayon). Bigla kong naisip ang isang bonggang masahe.

Ang gusto ko lang mangyari sa araw na ito ay... TANTANAN MO AKO!

Tatawagin ko na ba ang bertud para tulungan ako? LOL

4 comments:

Kol Me Empi said...

patingin mo na lang para sigurado... :)

iamjessiegarcia said...

Thanks! pag bukas ganito pa rin ito ipatitingin ko na...

Untied Escape said...

i can relate.. hahaha!

iamjessiegarcia said...

masakit din ba likod mo dys?

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...