Pages

Sunday, April 29, 2012

Pinoy Summer Da Best Forever

Wagas na talaga ang init dito sa ‘Pinas. Kaliwa’t kanan na ang mga plano ng mga summet getaways. Bukod sa mga bago kong trip sa buhay (trekking at fun runs) gusto ko din malibot ang Pilipinas at ma-experience ang mga makukulay na festivals. WAG TAYONG MAGING DAYUHAN SA SARILI NATING BAYAN. Don’t get me wrong, I also want to travel out of the country. I want to pursue first our own hidden treasures here in the Philippines. I want to showcase the hidden beauties that we can be proud of.


I want to share with you the latest Summer Station ID of ABS-CBN. "This year's summer station ID paints a picture of how Filipinos are proud of their heritage and values as reflected in our very own festivals. Bayanihan, camaraderie, unity, respect, and love for one's self are the prime Filipino values highlighted. Color and joy spread like summer heat, awakening the festivities and making celebrations more alive."

The ABS CBN Summer 2012 Station ID
“Pinoy Summer Da Best Forever”

Thursday, April 26, 2012

Pagkakataon

“Maghiwalay na tayo. Hindi ko na kaya ang lahat ng sakit na ibinigay mo. Sobra-sobra na! Baka mawala na ng tuluyan ang nalalabing respeto ko sa sarili ko. Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang asawa mo, sana kahit man lang bilang tao.”

Hanggang ngayon ay nauulinagan ko pa ang tagpong iyon. Tanging ang mga tunog na lamang ng mga kulisap ang pumaimbabaw matapos ang pagtatalong iyon. Iyon din ang huling pagkakataon na nasilayan ko siya. Minabuti kong magpakalayo-layo hanggang mapadpad ako ng Maynila. Sa mura kong edad nakipagsapalaran ako at naghanap ng mapapasukan. Halos walang tumanggap sa akin noong mga panahon na iyon. Dahil doon, nagdesisyon akong tumanggap na lamang ng labada. Naisip kong mas maigi na iyon para makaipon sa nalalapit na panganganak ko. Makalipas ang dalawang buwan at dumating sa buhay ko si Monica.

“Misis, babae po ang anak nyo. Kaygandang bata”

Abot-langit ang kaligayahang naramdaman ko nang una kong mahawakan at mahagkan ang pinakamamahal kong anak. Hindi ko na batid ang lahat ng sakit na dinanas ko. Ang mahalaga sa akin ay sya at ako.

Tiniis naming mag-ina ang halos araw-araw na pagkain ng sardinas at galunggong makaraos lamang ang hapdi ng tyan. Sa kagustuhan kong maibigay ang lahat ng kailangan ni Monica, ginawa kong araw ang gabi. Takip-silim pa lamang ay laman na ako ng lansangan. Nakikipagbunuan sa mga maaga ring namimili sa Divisoria. Pagdating ng bahay ay ihahanda ang almusal at baon ni Monica sa pagpasok. Sa sandaling maihatid ko na sya sa paaralan, uumpisahan ko na ang tanggap kong mga labada. Matapos ang tanghalian, iluluto ko na ang mga pinamili sa Divisoria para sa meryenda na aking itinitinda, Naging ganyan ang takbo ng pang-araw-araw na buhay ko.

Masipag mag-aral si Monica. Lagi syang kabilang sa 10 pinakamagagaling na mag-aaral sa klase. Lagi rin syang laman ng silid-aklatan kaya naman naisip ko matalino ang anak ko. Kaliwa’t kanan din ang mga parangal na kanyang natatanggap sa mga patimpalak sa panitikan. Sa kanyang pagtatapos sa mataas na paaralan, nakamit din nya ang isang natatanging parangal na iginawad ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa kakapusan ng pangangailangang pinansyal hindi na nakatuntong ng kolehiyo si Monica. Gumuho ang mga pangarap ng anak ko.  Parang isang napakatayog na saranggola ang mga pangarap ni Monica na ngayon ay unti-unting nahuhulog pababa sa pagkakaputol ng sinulid nito. Napakasakit para sa akin na hindi ko maibigay ang nararapat na buhay para sa kanya. 

Sa mga araw na nagdaan, ramdam ko ang pagkadismaya ng aking anak. Minabuti nyang mamasukan na lamang ng trabaho para makatulong sa panggastos sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Lingid sa kaalaman ko ang uri ng hanapbuhay na kanyang pinasok. Sa pagnanais nyang makaipon ng mas mabilis upang makabalik sa paaralan, pumasok sya bilang mang-aaliw sa isang club. Ang tanging bagay na kanyang nabanggit sa akin ay kailangan nyang manatili sa lugar ng kanyang trabaho sa loob ng 6 na araw sa isang linggo at uuwi lamang sa araw na wala syang pasok. 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ako mapalagay sa tuwing magpapaalam sya sa akin upang bumalik na naman sa trabaho. Hinuha kong may kakaibang nangyayari sa aking anak. Pilit kong nilabanan ang isiping iyon. May tiwala ako kay Monica... May tiwala ako sa anak ko.

"Nay! May ibabalita po ako sa inyo. May nakilala po akong lalaki sa pinagtatrabahuhan ko. Mukha naman po syang mabait. Sa palagay ko po eh magugustuhan nyo sya. Ilang buwan na rin po kaming lumalabas at noong isang araw ay sinagot ko na po sya."

"Kailan ko ba makikilala ang maswerteng lalaki na yan?" 

"Nay malapit na."

Ngayon ko na lamang muling nasilayan ang mga ngiti sa labi ni Monica. Kahit papaano ay napanatag na rin ang aking kalooban ngayong alam kong mayroon na ring nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Animo'y bayani sa kanyang paningin ang misteryosong lalaki sa tuwing magkukuwento sya sa akin. Ramdam ko ang labis na pagmamahal sa kanya ng aking anak. Nasasabik tuloy akong makilala ang lalaking nagbigay-kulay sa buhay ni Monica.

"Nay! Nay!... Andito na po kami. Asan ka ba 'Nay?"

"Ano ka bang bata ka at nagmamadali? Nasa kusina lamang ako naghahanda ng tanghalian. Di ka man lang nagpasabi na uuwi ka"

"Gusto sana kitang sorpresahin eh. May kasama po ako at alam kong gusto nyo na syang makilala. Honey, pasok ka na at huwag ng mahiya."

Isang pamilyar na mukha ang aking nasilayan. Si Nestor... Tama si Nestor! Hindi ito maaari.... Hindi!

"Nay si Nestor po.... Boyfriend ko"

"Sabihin mong hindi totoo yan Monica. Sabihin mo!"

"Celia?" (banaag ang pagkagulat sa mukha)

"Magkakilala kayo?" (litong nagtanong sa dalawa)

"Monica, sya ang iyong ama"  

Mas lalong nagulantang ang magkasintahan sa narinig. Umalingawngaw  ang iyakan sa salas. 

"Ako ang sumira ng buhay ng sarili kong anak" sambit ni Nestor.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Celia.

"Nay buntis po ako", sabay hagulgol ni Monica. 

Para akong namaligno ng marinig ang tinuran ng aking anak. Pinagsakluban ako ng langit ng tagpong iyon. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari dahil ipinagkait ko sa anak ko ang makita at makilala kahit man lamang sa larawan ang kanyang ama. 



Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan

Monday, April 23, 2012

Mt. Pico de Loro - First Day Hike (April 21, 2012)



PICO DE LORO (also knows as Mt. Palay-Palay)
Ternate, Cavite
Major jump-off: Magnetic Hill, Ternate
LLA: 14° 12.855 N; 120° 38.785 E; 664 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 2-5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3

Every week is tiring because of work and stress but it doesn’t necessarily mean that we cannot do whatever we want to do. I decided to push through with my plan – to join  Rose Ann  and some friends to trek in Mt. Pico de Loro. Though trekking is really physically tiring, I find it as a good way for me to release stress and unwind. ^^

The group met at 4AM in 7/11 Baclaran. The bus we boarded was bound for Naic, Cavite and in two hours we arrived in Naic Bus terminal. From there, we had to ride a jeepney going to DENR. Upon reaching DENR, we registered our names and paid Php20 for registration fee.


Pico de Loro is a DENR Protected Area

The jump off point is 5 minutes walk away from DENR. We took some pics first at the jump off point and prayed before we start the trek. At exactly 8:30AM we started the trek.

Our first picture as a group - with Juxtapoz PUP, eskapaderas (office friends) and my housemates

 photo shoot while on our way to base camp 1

 in-effort ko talagang umakyat dito... rock on! \m/

a scenery while on our way to base camp 1

The first 30 minutes of the trek was quite easy. This mountain is interesting due to its uphill and downhill treks. The first section of the trek until the first stop was mostly descending. 




The camp is a nice first resting point. Upon reaching this place, we had to register our names again and paid Php20. We stayed here for 30 minutes to take some rest.

 another scenery after leaving base camp 1


The midpoint of the trek is a shaded area called Alibangbang. From Base Camp 1, it took us 30 minutes to reach this place. We stayed here for another 30 minutes to rest and hydrate.

The second part of the trail is a steeper hike. Mas marami na kaming pahinga sa point na 'to. Mas ramdam na rin ang pagod ng bawat isa. 

The trail going to the peak is easy to follow due to the trail signs and ribbons knotted on trees

After almost 3 hours of trekking, we finally reached the Summit campsite. 



view from the Summit Campsite

the view of the summit from the campsite

It was already lunchtime so we decided to stay at the Summit Campsite to eat and rest. After our eating session and a little rest we headed ourselves to the 2nd summit. 


a nice view on our way to the summit

Reaching the summit was really hard for me. The way up to the summit is more technical and difficult but the view is very rewarding than the first summit. It's really important that you wear the appropriate shoes. I had to ask some boys in our group to carry my bag and help me reach the summit. Steep slope and slippery trail were the obstacles that you need to surpass to reach the top. Good thing it as not windy that time. 




the Parrot's Beak


the 360 degrees view at the summit


the group upon reaching the summit

the boys together with Rose Ann and Bhie

I decided not to join them in conquering the Parrot's Beak but I reserved climbing that peak the next time I visit this place.


Pico de Loro is my 4th climb and considered as my most difficult trek. Regardless of the hardship, I'll definitely go back to this place and by that time I'll make sure that I'm physically and mentally prepared to reach the Parrot's Beak (of course with proper gear) ^^

Mt. Pico de Loro Expenses

Thursday, April 19, 2012

Earth Run 2012

Yehey! My 3rd running event for this year…


A month ago, I happened to see a post in FB from a friend regarding Earth Run 2012. I immediately informed my friends about it and we signed up for the early bird price. Yahoo!

Early Bird: (March 9 – April 1)
3K/5K/10K – PHP 250
16K/21K – PHP 350

I was the one who processed the registration for our group. I decided to join the 10K run (ang kapal ko lang. hahaha…My first 10K attempt) and the rest joined the 5K. I was a bit disappointed when I claimed our singlets in Chris Sports Glorietta. I just felt that they weren’t ready for the release of singlets and it took them a lot of time look for the claims. Maybe they just need to be more organized next time.

singlet

pwede ko na pa lang takbuhin na lang ang daan pauwi ng apartment ^^

Well I enjoyed my first 10K attempt. There was enough hydration during the race plus the free showers. Hehehe… (ang sarap atang tumakbo habang umuulan) Marshals were everywhere that time and that made me feel that we were secured. The loot bag given after the race consists of 1 banana, Nizoral Cream, Close Up toothpaste, Papaya Soap. I also got a certificate though I need to put my name on it (ako na lang daw ang magsulat)


my run result

Earth Run 2012 Race Results:

Here are some of the pics:



Cleah, Bonna and Me

me and my brother

So what's next for me? Hyundai Run for a Cause. See y'all on April 29, 2012

Tuesday, April 10, 2012

Spooky and Merry


I'm done sharing the INF's own events and activities with my last 2 blog entries. Now, I wanna feature the company's way of celebrating Halloween and Christmas Season (of course with the help of Employee Engagement Team ^^)

HALLOWEEN
We asked each team to decorate their pods and wear their Halloween costumes. We were like playing while working. 

the crazy officers of INF ^^

 the girls of INF

my date. hahaha...

Team Barro's pod

Team Gzel's pod

Team Lei's pod

RATED PG:
This may contain scenes or other content that are unsuitable for children without the guidance of a parent. HAHAHA...



GET CRUNK
To celebrate the Christmas season plus our quarterly Ops Day Out, we decided to held this in Decades, Metrowalk. We were wearing our own Hip-hop attires (forte ko ata ito)






 showdown namin ni Ms. Chay





yung totoo? Christmas party ba ito or bigayan ng relief goods








My first and last Halloween and Christmas celebration in Infinity. 

Up next: out of town team building.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...