Pages

Thursday, March 01, 2012

Mt. Gulugod Baboy - My First Night Trek (Feb 25-26, 2012)


MT. GULUGOD-BABOY
Anilao, Mabini, Batangas
Jump-off point: Philpan Dive Resort, Anilao, Mabini
LLA: 13°42'55"N; 120°53'43"E; 525 MASL
Days required / Hours to summit: Half-day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2


When I was advised that it’ll be a night trek, I was a bit hesitant. I knew that it’ll be more challenging (sa labo ba naman ng mata ko, malamang liability ako ng grupo). It didn’t stop me from joining my friends. I know I’ll make it.

My friends and I met in Jollibee, Alabang (near the bus terminal). The bus we boarded was bound for Batangas, and in an hour and a half, we arrived in Bauan Diversion (8:15PM). From there, we had to transfer to a jeepney going to Philpan Dive Resort (we paid PHP100 per head just to get there). It took us less than an hour to get into the jump-off point. Accross Philpan resort, you will see a cemented path going up, this is the start of the hike.

We started the trek around 9:30PM (with our head lamps on).  Sinimulan naming bagtasin ang sementadong daan paakyat (15 minutes or so din naming inakyat ang daang yun). Sa gitna ng dilim at pagod nagawa pa naming magbiro para aliwin ang mga sarili (ANG GALING NI MAYOR! PATI BUNDOK NAPASEMENTO… LOL). Nang marating naming yung trail paakyat ng bundok, nagpahinga kami ng kaunti at umigib ng maiinom na tubig. 

I had a hard time during the trek. Kulang ako sa tulog (3 oras na tulog at maagang nagising para mag-jogging sa BGC), walang hapunan, mabigat na bagahe at madilim na daraanan. I felt really exhausted, buti na lang at walang araw. I thought aatakihin ako ng gastritis dahil powerade lang ang laman ng sikmura ko. We decided to stop when I felt like vomiting. Ligo ako ng pawis kaya habang nakahinto naisip kong hubarin ang bandeau na suot ko. Nagmagandang-loob na rin yung kasama ko na magpalit kami ng bag.

We reached the top around 11PM. Tanggal ang lahat ng hirap at pagod when I saw the city lights. I was mesmerized talaga. 


 (may kalabuan since hindi SLR ang cam ko. hehehe...)

Hiwalay kami ng trabaho pagdating sa taas. Kaming mga girls ang nagsaing at ang mga boys ang nagtayo ng mga tent. Parang dinaanan ng bagyo ang pinakainan naming sa sobrang gutom. Super late na rin ang shot moments namin.






Sa gitna ng aming kwentuhan, may 2 lalaking lumapit sa camp naming at may dalang alak. Ayun umpisa na ng social. Sa usapan/kwentuhang iyon, isa lang ang naalala ko, ang makailang beses na pagtatanong nung isang lalaki kung sino ang taga-Makati. Sa inis ko, natulog na lang ako. Hahaha…

Nagising kami ng mga 7AM. Habang naghihintay sa kape, umakyat ako sa summit to take pictures. Ang ganda ng view sa taas.











Of course, di naman pinalagpas ng mga kasama ko ang picture taking moment.













Pagtapos magkape nag-pack na kami ng gamit. Naubusan na rin kasi kami ng makakain. Kami man ang huling umakyat, kami rin ang unang bumaba.







Gusto kong kunan ng picture ang bawat anggulo ng scenery na natatanaw ng mga mata ko. Kaya lang challenging since pababa na kami.








Group pic bago bumaba.... (uhmm... Ariel anong klaseng pose yan?)


Syempre dapat kasama ako sa group pic. (Sayang! Wala akong jump shot dito. Ako kasi ang camera man e)




Mas mabilis na ang pagbaba namin. Kita ang trail na dadaanan. Astig ng isang stop over namin. Pakiramdam ko nasa Manila rin ako. Mas updated pa ang sounds ng isang kubo. 


Ginawa naming bar ang place na ito. Sayaw lang ng sayaw! 


Habang binabagtas namin ang sementadong daan pababa, may mabait na mamang driver ng jeep ang nagpasakay sa amin. (THANK YOU KUYA!)



Gusto rin naman naming marating ang baybay-dagat. Namili muna ng makakain sa tanghalian.



Si Gerry nga pala, ang kaibigan kong endorser ng Buco Licious. LOL....^^




Super ganda ng tubig. It was inviting. Pero dahil hindi pa kami nag-aalmusal naghanda muna kami ng makakain. Ito ang nakakagana naming BRUNCH.






After naming kumain, sinimulan na ang pagbabad sa tubig (habang katanghaliang tapat). Masunog na ang dapat masunog... HAHAHA












Maaga din kaming tumulak pabalik sa aming mga tahanan. Maiksi man ang bakasyong ito, refreshing na rin. Nakakawala ng stress. Pagal man ang mga katawang-lupa, di ako magsasawang magpagod at umakyat ng mga bundok. At the end of the trail, the mesmerizing sceneries captivates my heart and soul. Saan kaya ang susunod na destinasyon ko? ^^

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...