Sobrang TORTURE ang araw na ito. Iyak-tawa ako mula pagligo hanggang sa puntong ito. Mas ramdam ang sakit ngayon kumpara kahapon. Sira din ang pagtulog ko dahil kusa akong nagigising tuwing kailangan kong pumaling sa pagkakahiga.
Pagdating sa office, mas lalong ramdam ang sakit pagpasok ko ng Aquarium (ang kwarto naming puno ng magagandang dilag ang makikisig na lalaki. OYE! hahaha...). Kidding aside, sobra kasi ang lamig sa loob ng kwartong ito. Hindi ko talaga kinaya ang lamig kahit pa long sleeves ang suot kong blouse. Humiram ako ng blanket para mabawasan ang nanunuot na lamig sa katawan. Nang pinilit kong ikumot sa aking sarili ang blanket hindi ko nagawa. Bigla akong napa-iyak... umandar na naman kasi ang malikot kong pag-iisip. Naisip ko lang bigla, ayokong maranasan ang maparalisa. ANG HIRAP! Di ako sanay na inaalalayan... Di ako sanay na di makakilos (sa likot ko ba namang ito!).
Sa kagustuhan kong maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman, minabuti kong pumunta ng clinic. Ang malupet na solusyon na binigay sa akin ng nurse ay isang:
Hayst... iyak-tawa na lang ulet ang nagawa ko. Pinagtawanan ko na lang ang sarili ko. I just can't wait para isang malupet na masahe with matching Bentosa... Sana ma-achieve ko sya sa aking mahabang pahinga. Weekend you're so near yet so far...
PS. Please lang TANTANAN mo na ako! ikatlong araw na nating magkasama. Di tayo para sa isa't isa kaya iwan mo na ako...
No comments:
Post a Comment