Wag ikagulat ang title ng blog entry na ito. Hahaha… At wag ding masyadong pagka-dibdibin dahil isa lang ito sa mga walang katorya-torya kong entry. LOL… These past couple of days, wala akong maisip na maisulat kaya natahimik sumandali ang blog ko. Na-touch naman ako kay Gladys at naisip nyang i-tag ako so I could share 7 random things about me. Napaisip ako ng bongga sa kung anong magandang i-share sa inyong lahat. Ang aga ng suffering ko (FYI. Suffering – salitang ginagamit namin sa QA Department na may kakatwang kahulugan. Kung ano yun? Sa amin na lang yun. Hehehe…)
Here we go!
- Di ako nakakatulog ng walang kumot. Kahit natutulog ako sa tanghaling tapat (dati kasi akong graveyard shifter) kailangan may kumot pa rin ako. Pakiramdam ko kasi eh nakahubad ako pag di nakakumot. Lamigin din ako pag tulog. Mistulang fetus ako kapag di ako nakakumot.
- Pinangarap kong maging madre nung bata pa ako. Maaga kasi akong na-expose sa mga church activities at retreats. Makailang beses din akong nakasalamuha ang mga madre. Naisip ko noon, kung magiging madre man ako, ako yung madre na active sa labas. Buti na lang di natuloy baka kasi maaga din akong nasipa sa kumbento. Hahaha…
- I love spicy foods. Mas ginaganahan akong kumain pag may kick ng konti ang kinakain ko. (gusto ko konting kick lang hindi yung nanapak sa sobrang anghang)
- Year 1995, sumali kami ng aking pamilya sa Tuseran Forte Contest ng Eat Bulaga. Nagpaalam talaga ako sa adviser ko noong grade 5 na aabsent ako sa klase. Ayun talo! Hehehe…
- Naging PA ako ng programang Tara-Tena (Saturday program ni Loren Legarda. Katapat ng programang Maynila) for a month. Part ito ng OJT ko nung college. Dun ako na-expose at nainlove sa mundo ng telebisyon.
- Sobra akong iyakin as in cry baby talaga. Makakita lang ako minsan ng taong umiiyak eh nadadala na ako. Somehow kasi eh nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman nila. Kaya kailangan prepared ako pag drama ang palabas kasi alam kong ako na ang susunod na panonoorin ng tao sa paligid ko.
- Ako ang tipo ng tao na di napipirmi. Kailangan talaga na kahit isang part ng katawan ko ang gumagalaw. Pero ibang usapan na yan pag stop dance na ang labanan. Hehehe…
Buti na lang at 7 random things lang dahil pakiramdam ko kasi ang ako na mismo ang maglalaglag sa sarili ko pag nadagdagan pa ‘to. Parang ako na rin ang yumurak sa pagkatao ko. Di ko rin alam kung ano ang maidudulot nitong revelations na ito sa buhay ko. Well, ito talaga ako whether you like it or not. Love me at my worst nga ang isa sa motto ko sa buhay.
It’s your time to shine friends.
1. http://itsmekeightie.tumblr.com/
2. http://youronlyqueen.tumblr.com/
3. http://jhoeralynn2108.tumblr.com/
4. http://foxyzombie.tumblr.com/
5. http://iceprincesslei.tumblr.com/
6. http://intoxikatejm.tumblr.com/
7. http://cupofsimplici-tea.blogspot.com/
8. http://marcopaolo24.blogspot.com/
Aantabayanan ko ang sarili nyong version nito... ^^