Have you seen Mt. Pinatubo? I never thought that I’ll be reaching the crater. ASTEEEG!!! \m/
Discounted yung deal na nakuha namin kaya nakapunta kami ng Mt. Pinatubo for Php 999.00. Petsa de peligro talaga ng mga panahon na yan kaya para matuloy nagbudget kami ng bongga.
Nagkita kami ng mga friends ko sa Victory Liner Cubao ng mga 2am. Actually, meron talagang bus for the trekkers pero di kami sumabay dun at sa halip nag-commute kami. (tipid mode) Umalis ang bus around 4:30am.
Dahil puyat at pagod kami lahat ayun tulog sa bus. Traffic pa sa NLEX that time (kasabay din kasi ito ng Hot Air Balloon sa Clark eh). We were so worried that time baka kasi di umabot sa oras. Kailangan kasi nasa Sta. Juliana na kami by 7:30am. (ending late pa rin kami. LOL). Bumaba kami sa Capas, Tarlac. Kailangan pa ring sumakay ng tricycle for an hour para makarating sa Sta. Juliana, Tarlac. Sa Sta. Juliana ang pick up ng mga 4x4 jeep.
Mga almost an hour din ang travel sa 4x4 jeep. Kahit na mainit at maalikabok ang byahe, masaya pa rin dahil sa mga sceneries na makikita.
Salamat kay kuya Robin (tour guide namin) at nag-offer na tumigil kami saglit to have our photos.
After ng saglit na photo shoot, tumuloy na ulet kami sa aming 4x4 ride. Here are the additional pictures:
Ang astig nga ng driver namin eh. Ang galing magmaneho at naunahan pa namin ang ibang 4x4 jeeps... Pati na ang Bighorn na sasakyan na lulan ang ilang kasama ko.
Dito na nagstart ang mainit na trekking...
I forgot to bring my slippers... I had to remove my shoesy para makatawid sa mga rocky river.
Super init ng trekking na ito. Mabato at mabuhangin din ang lalakaran pero kahit ganun pa man check pa rin kasi maganda naman yung tanawin.
Narating din namin ang isang camp site. Nakapag-refill ng mga inumin mula sa isang tubigan na galing sa bukal. Nakapag-CR din (hehehe) at higit sa lahat nakapahinga ng konti.
From here mga 25 minutes na lang at mararating na namin ang crater.
After the long trek, nakarating din sa Majestic Pinatubo Crater.
Matapos ang konting picture taking, pahinga mode at nagtanghalian na.
After ng konting pahinga balik sa picture taking mode. Di naman namin palalampasin ang magandang scenery noh.. ^^
Sayang at wala kaming picture nung nagbabad kami sa tubig... (gusto namin ma-try maligo sa tubig na may Sulfur... hahaha...) Sandali lang naman kami nagbabad. We had to leave the crater by 2PM. Pero syempre sinamantala pa rin namin ang mga konting saglit sa crater. Picture taking mode was activated again... LOL
Mas madali na ang pagbaba sa amin. Halos palubog na rin ang araw. Mas tantyado na ang mga hakbang. Habang binabagtas namin ang daan at lulan ng 4x4 jeep, ramdam na ang pagod pero ang sarap pa rin sa pakiramdam. Para rin kaming nagkaroon ng instant powder dahil sa alikabok...LOL... Naging exciting din ang ride dahil may kaunting competition ng paunahan ng ilang 4x4.
Sa pagod at gutom, pagdating ng Sta. Juliana ay pagkain ang una naming hinanap.
Di na namin nagawang magpalit or maligo, malayo pa kasi ang uuwian naming lahat. Muli na naman kaming sumakay ng tricycle pabalik ng Capas, Tarlac. Sa pagkakataong ito, buwis-buhay ang pagsakay ko ng tricycle (back ride kasi ako- pagod na ang katawang-lupa, nakaramdam na ng pamamanhid sa ilang parte ng katawan). Thanks God! safe naman ako/ kaming nakarating. Sa bus, kanya-kanyang pwesto ng tulog. HAHAHA...Ramdam lahat ang pagod ng pagal na katawan.
REALIZATIONS:
- Ang buhay parang pag-akyat lang ng Mt. Pinatubo, maraming hirap - mabato, mainit dahil sa tindi ng sikat ng araw, mahirap ang lalakaran dahil sa buhangin; pero pag narating mo yung crater langit sa ganda talaga. Ang buhay marami mang unos or pagsubok.... iniisip man natin na di natin kakayanin ang lahat ng unos na dadaan, makikita natin ang sarili natin na nakalagpas ng di natin namamalayan. Kailangan lang natin ng ibang tao para maging inspirasyon na matapos ang trail ng pagsubok. Sa huli, makikita mo din na napakalakas mong tao. (AKALA MO LANG HINDI, PERO OO..OO)
- God is a great God. Mt Pinatubo ang dahilan ng pagkalubog sa lahar ng ilang lugar noon ngunit ito rin ang pinagkukunan ng ikakabuhay ng ilan nating kababayan ngayon. God has His own plans for us. Mahirapan man tayo sa ilang pagsubok na ibinigay Nya pero lahat yun may dahilan.
- Gaano man kahirap ang trail ng buhay, masarap pa ring namnamin ang sakit at pait na dulot nito para maramdaman ang tunay na kaligayahan
5 comments:
My sweet friend, very nice and interesting you site.
When you want to take refuge in good ballads of yesterday, today and forever in all languages and genres I invite you to visit my blog and listen me.
From this Saturday 18 February, tribute to Whitney Houston. Songs that Whitney met through the voice of other singers;
Whitney Houston, Anne Murray and David Loggins, Juliana Ruiz, Sevil Memetova, Charice Pempengco, María Elena Marqués, Pia Toscano, Jeffrey Osborne, Polina Kozhikova, Claudia Streza.
I am a broadcaster of Argentina.
Best regards from Rosario-Argentina
Albert.
http://baladasmp3.blogspot.com
hi! thanks for visiting my blog
Cool post Jess! hehe! ako kakapost palang...haha!
Thanks for the encouragement... naaaliw na ako! ^^
gustong gusto ko itong akyatin dati.. wala pang 4x4 jeep..
ngayon pang turista na ang lugar..
but still napaka ganda pa din..
Post a Comment