Pages

Friday, February 24, 2012

Unofficially Yours... Coffee?

Finally, done watching Unofficially Yours!!!


I was really excited to see this film (basta movie ni Lloydie excited ako ^^). May mga scenes na talagang napatawa ako ng bongga (Hello, RomCom nga eh!). Astig din ang ilan sa mga linya ng pelikulang ito. Ito ang ilan sa mga iyon:

"Diba nga mas madali mag-'new life' kapag hindi ka attached?"

"Bakit dyaryo? Bakit hindi nalang tv? Radyo? O Blog?"
"Dahil ang tao ay naghahanap ng mahahawakan, hahaplusin at aamuyin."

"Bakit ka magso-sorry? Ah gusto mo ng round 2?"

"Akala ko ba gusto mo ng bagong buhay?"
"Oo, pero hindi naman ganun kabago."

"Alam mo ang choosy mo. Baguhin mo na ang rule, patol na sa ka-work."

"Kung gusto mo maging magaling na reporter, dapat hindi ka matatakot magtanong."

"Ano yan?"
"Coffee."
"Ano ibig sabihin niyan?"
"Coffee. Antioxidant."
"Malabo ba?"
"Ang ano?"
"Tayo."
"May tayo na pala Cess. Hindi mo man lang sinasabi."

"Seryoso ako. Promise!"
"Ingatan mo ang salitang yan ha - Promise... Huwag kang magpromise kung 'di mo kayang gawin."

"Unforgettable kasi wala ka ng hahanapin pang iba. Lahat ng kailangan mo, andun na.  Kaya kung idi-describe mo in one word - Perfect."

"Kung gusto mo maging writer, kailangan mong gamitin ang five senses mo."

"Ang sinasabi ko lang 'tol kaya mong i-adjust and buhay mo depende sa buhay ng mahal mo."
"So?"
"Alam naming kaya mong magmahal. Eh, ikaw ba kaya ka bang mahalin ni Cess?"

"Cess, kontento ka na ba talaga sa ganito?"
"Anong ganito lang?"
"Yung ganito lang. Yung casual lang."
"Yung sex lang?"
"Hindi mo ba hinahanap maging in a relationship?"
"Hindi rin."
"Bakit?"
"Bakit naman ako kukuha ng ipu-pukpok sa ulo ko? Ang ending nun, hiwalayan lang. Di na uso 'yun ngayon."

"Love? Lilimitahan ka lang niyan. Ang dami-daming magagawa kung hindi ka lilimitahan sa love na 'yan. Higit sa lahat, paiiyakin ka lang niyan."
"Napaiyak ka na?"
"Sino ang hindi pa?"

"What if siya lang makakapag-pasaya sa'yo?"
"Kaya kong pasayahin ang sarili ko."

"What if I fall in love with you?"

"Hey hey. Eye to eye. Heart to heart."

"Hindi kasama 'yun sa set up niyo. Tsong, ipaintindi niyo sa sarili niyo. Macky, masasaktan ka lang."

"Seryuso, I love her. Handa ako sa lahat, handa ako sa kaya niyang ibigay... At oo, kung mangyari man, handa akong masaktan."

"Hindi pwede yung sino-sino lang. Dapat yung the best."

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin eh."
"I know pero gusto ko."

"Yan kasing set up niyo na ganyan, hindi pwedeng walang ma-in love."

Pwede bang maging tayo na lang? Angel Locsin (Ces): Alam mo? Lahat ng ganyan, ang ending nyan, hiwalayan din. Saka di na yan uso.
"Tama na."
"Alin?"
"Stop being so nice. Lalo mo akong pinahihirapan eh."
"Ganito lang naman ako dahil mahal kita. I'm sorry Cess. Alam kong wala sa usapan yun pero ito na yun eh. Mahal na mahal kita... Hindi ko na rin kaya magkunwari na naiintindihan ko pa kung ano ang meron sa atin. Hindi ko na gusto. Mamahalin kita ng buo. Aalagan kita Cess. Payagan mo lang ako. Pwede pa bang maging tayo?"
"Gustohin ko man, hindi ko kaya."
"Bakit? Huwag na nating gawing kumplikado. Isa lang naman ang tanong dito eh. Mahal mo rin ba ako?"

"Ako ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka, ang maghintay sa'yo at umasang isang araw kakayanin mo ng magmahal ulit. Pero 'wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita."

"Aminin mo na Cess."
"Bakit ganun? Bakit parang hindi ka nag-sasawang masaktan?"
"Hindi naman. Hindi lang ako napapagod magmahal."
"Hindi ka napapagod?"
"Eh paminsan-minsan. Napapagod din, syempre."
"Oh bakit ayaw mong tumigil?"
"Bakit ako titigil? Pwede naman akong huminto sandali."
"Kahit ilang besas ka ng umasa? Masaktan?"
"Oo."



Iniisip ko nga nung una, hindi ako makaka-relate sa movie. I just wanna watch it because of John Lloyd but I was wrong. I will never ever forget these lines:

“Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na ibigay mo, hindi ‘yun hadlang para sa isang tao na ‘yun na saktan ka.”
"Grabe. Wasak. Halos wala ng matira sa akin nu'n. Kahit respeto sa sarili ko, tinangay niya na rin 'yun eh. Ang tagal kong bumangon, gumapang... Pinipilit na tumayo. Nabuhay kung ano man yung natitira sa akin. Kaya sinabi ko na hindi na mauulit yun. Pero eto na naman, may isang tao na naman sa harap ko na hinihiling na mahalin ko. Gustong-gusto kitaing mahalin Macky pero natatakot ako. Natatakot ako na baka muli akong masaktan. Wala ng matitira sa akin. Kung nakilala lang sana kita noon, 'nung kaya pa nito (puso). Kaya lang hindi na eh."– Ces Bricenio



Sa eksenang yan bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ako ang nasa eksena… ramdam ang bawat titik at letra ng mga linyang binitawan. (The one highlighted in blue)  Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit at multo ng nakaraan. Nawala sa loob kong nakaupo ako sa loob ng malamig at madilim na sinehan (Kung makaiyak WAGAS! HAHAHA…)

Ano ba yan? Nawala ako bigla. HAHAHA… ibalik na natin sa unforgettable lines ng movie.

"Naniniwala ako na may nakalaan na tao para sa bawat isa sa atin."

"Sa isang daang libong bagay na pinipilit, may isang bagay diyan na hindi mo kayang tanggihan."

"She is loving. She is generous... And she will never give up on you.... She is someone who is selfless enough to share her passion, knowledge and heart."

"There is one final lesson: Higit ka pa sa isang daang libong bagay na pwede kong tanggihan sa buhay ko."


Let’s just keep in mind that THERE IS A SECOND CHANCE. Life will never be fair. There will be times that we fail on our first attempts but we need to understand that it’s okay. Instead of giving up, we must grab the chances presented to us. LIFE PRESENTS GOOD SURPRISES. Sometimes, when we least expect it, the world turns upside down.

Let’s just be positive that someone will ease the pain and will make us feel that we are worth fighting for.

Coffee? ^^

Thursday, February 23, 2012

Random Thoughts (02.23.12) Text Message

I got this text message at 06:18AM:

“Sa buhay mare-realize mo na may dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao. Yung iba, dumating para subukan ka. Yung iba para gamitin ka. Yung iba para turuan ka. At yung iba, dumating para malaman kung sino ka talaga. Merong iba na dumarating para saktan ka, at least natuto ka. Kalimutan mo na yung taong hindi ka itinuturing ng tama. Dun ka sa mga taong minamahal ka at nakikita kung gaano ka kahalaga.”

Pagkabasa ko nung message, natawa talaga ako ng bongga. Naisip ko kasi napapanahon… I’ve been telling myself the same lines for the last couple of weeks.

Malaking factor sa kung ano tayo ngayon ang mga taong nakilala at dumaan sa buhay natin. Some of them will really push us to our limits. Yung tipong tinapakan ka na, dinurog ka pa. Mapapaisip ka talaga bakit pa sila dumating sa buhay mo kung masasaktan ka lang. At the end of the day, God has His own plans for us. May purpose kaya hinayaan ng Diyos na makilala natin sila. Hindi man natin maintindihan ang dahilan ni God sa ngayon, darating din yung araw na malalaman natin yung reason behind it.

Nasaktan man tayo ng ibang tao, may mga tao pa rin naman sa paligid natin na maituturing natin talagang blessing sa buhay natin. Nariyan ang pamilya natin na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa atin. May mga totoong kaibigan din tayong kasama natin sa saya at dagok ng buhay natin. Marami pang dahilan para maging masaya. Marami pa ring blessings na dumadating.

Marami pa tayong taong makikilala sa buhay natin. Yung iba dadaan lang talaga… Yung iba tatambay pa. Anuman ang dahilan ng pagtatagpo ng mga landas natin, ipagpasalamat na lang natin yun. Part yun ng journey natin sa buhay. ROCK ON! \m/

Wednesday, February 22, 2012

Random Thoughts (02.22.12)

My FB post today as of 10:30 AM:

I will sleep on dry pillows now, in a bed big enough to love myself in, I will awake with these coming mornings with my eyes dry and shining full of the knowledge. I am priceless and worth nothing but honesty. I will remove the scarlet letters from my chest and take the hand of the little girl I used to be and say I'm sorry to her, I'm sorry for cheating you out of the joy YOU have always deserved. And I will wait, for a MAN to come along that can give me the truth of how much he can really love me.

For the past couple of weeks, I was so busy thinking what needs to be done to surpass my day and to keep myself busy. Then a lot of questions came into my mind. Why don’t I pause for a while and examine where am I right now? How long have I changed from being the person that I was yesterday and today? What happened to me? Am I on the right track?

I was asking a lot of questions to myself. All of a sudden, I felt tired and wanted to take a rest. Many things have happened in my life for the past few months. In fact, some of the blessings I’ve received are too good to be true. However, the past couple of weeks have been hard on me. I’ve been hard on myself too. All I know was I don’t want to feel anything anymore. I want to get rid of the pain that I have inside me not realizing I’m losing my own identity and then I started to feel sorry for myself.

Though feeling lost, I tried to pull myself together…. picked up the little pieces of me. This chapter of my life taught me to fight… that I need to be strong for myself and for the people that I care and love. I just can’t sit down and let the ghost of yesterday pull me down. I know that the sun would shine on me again. A promise of hope... A chance to start all over again and be a better version of me.


Things may not happen the way I want them to be... but I am certain that there are better plans in my life.

Sunday, February 19, 2012

Pinatubo Trekking (02.11.12)

Have you seen Mt. Pinatubo? I never thought that I’ll be reaching the crater. ASTEEEG!!! \m/

Discounted yung deal na nakuha namin kaya nakapunta kami ng Mt. Pinatubo for Php 999.00. Petsa de peligro talaga ng mga panahon na yan kaya para matuloy nagbudget kami ng bongga. 

Nagkita kami ng mga friends ko sa Victory Liner Cubao ng mga 2am. Actually, meron talagang bus for the trekkers pero di kami sumabay dun at sa halip nag-commute kami. (tipid mode) Umalis ang bus around 4:30am. 





Dahil puyat at pagod kami lahat ayun tulog sa bus. Traffic pa sa NLEX that time (kasabay din kasi ito ng Hot Air Balloon sa Clark eh). We were so worried that time baka kasi di umabot sa oras. Kailangan kasi nasa Sta. Juliana na kami by 7:30am. (ending late pa rin kami. LOL).  Bumaba kami sa Capas, Tarlac. Kailangan pa ring sumakay ng tricycle for an hour para makarating sa Sta. Juliana, Tarlac. Sa Sta. Juliana ang pick up ng mga 4x4 jeep. 

Mga almost an hour din ang travel sa 4x4 jeep. Kahit na mainit at maalikabok ang byahe, masaya pa rin dahil sa mga sceneries na makikita.







Salamat kay kuya Robin (tour guide namin) at nag-offer na tumigil kami saglit to have our photos.





After ng saglit na photo shoot, tumuloy na ulet kami sa aming 4x4 ride. Here are the additional pictures:





Ang astig nga ng driver namin eh. Ang galing magmaneho at naunahan pa namin ang ibang 4x4 jeeps... Pati na ang Bighorn na sasakyan na lulan ang ilang kasama ko.

Dito na nagstart ang mainit na trekking...







I forgot to bring my slippers... I had to remove my shoesy para makatawid sa mga rocky river.





Super init ng trekking na ito. Mabato at mabuhangin din ang lalakaran pero kahit ganun pa man check pa rin kasi maganda naman yung tanawin.




Narating din namin ang isang camp site. Nakapag-refill ng mga inumin mula sa isang tubigan na galing sa bukal. Nakapag-CR din (hehehe) at higit sa lahat nakapahinga ng konti.


From here mga 25 minutes na lang at mararating na namin ang crater.

After the long trek, nakarating din sa Majestic Pinatubo Crater.




Matapos ang konting picture taking, pahinga mode at nagtanghalian na.



After ng konting pahinga balik sa picture taking mode. Di naman namin palalampasin ang magandang scenery noh.. ^^







Hindi din namin pinalampas ang pagbaba sa crater. We had a couple of pictures too:






Sayang at wala kaming picture nung nagbabad kami sa tubig... (gusto namin ma-try maligo sa tubig na may Sulfur... hahaha...) Sandali lang naman kami nagbabad. We had to leave the crater by 2PM. Pero syempre sinamantala pa rin namin ang mga konting saglit sa crater. Picture taking mode was activated again... LOL







Mas madali na ang pagbaba sa amin. Halos palubog na rin ang araw. Mas tantyado na ang mga hakbang. Habang binabagtas namin ang daan at lulan ng 4x4 jeep, ramdam na ang pagod pero ang sarap pa rin sa pakiramdam. Para rin kaming nagkaroon ng instant powder dahil sa alikabok...LOL... Naging exciting din ang ride dahil may kaunting competition ng paunahan ng ilang 4x4.

Sa pagod at gutom, pagdating ng Sta. Juliana ay pagkain ang una naming hinanap.



  

Di na namin nagawang magpalit or maligo, malayo pa kasi ang uuwian naming lahat. Muli na naman kaming sumakay ng tricycle pabalik ng Capas, Tarlac. Sa pagkakataong ito, buwis-buhay ang pagsakay ko ng tricycle (back ride kasi ako- pagod na ang katawang-lupa, nakaramdam na ng pamamanhid sa ilang parte ng katawan). Thanks God! safe naman ako/ kaming nakarating. Sa bus, kanya-kanyang pwesto ng tulog. HAHAHA...Ramdam lahat ang pagod ng pagal na katawan. 


REALIZATIONS:
  • Ang buhay parang pag-akyat lang ng Mt. Pinatubo, maraming hirap - mabato, mainit dahil sa tindi ng sikat ng araw, mahirap ang lalakaran dahil sa buhangin; pero pag narating mo yung crater langit sa ganda talaga. Ang buhay marami mang unos or pagsubok.... iniisip man natin na di natin kakayanin ang lahat ng unos na dadaan, makikita natin ang sarili natin na nakalagpas ng di natin namamalayan. Kailangan lang natin ng ibang tao para maging inspirasyon na matapos ang trail ng pagsubok. Sa huli, makikita mo din na napakalakas mong tao. (AKALA MO LANG HINDI, PERO OO..OO)
  • God is a great God. Mt Pinatubo ang dahilan ng pagkalubog sa lahar ng ilang lugar noon ngunit ito rin ang pinagkukunan ng ikakabuhay ng ilan nating kababayan ngayon. God has His own plans for us. Mahirapan man tayo sa ilang pagsubok na ibinigay Nya pero lahat yun may dahilan.
  • Gaano man kahirap ang trail ng buhay, masarap pa ring namnamin ang sakit at pait na dulot nito para maramdaman ang tunay na kaligayahan

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...